Fil-German Christian Standhardinger, pass na muna sa rookie draft ng PBA

237

Sports – Wala pang plano ngayon ang Fil-German na si Christian Standhardinger kung sasali ito sa nalalapit na PBA rookie draft.

Nabatid kasi na una nang nakapag-commit si Standhardinger na maglalaro ito sa muling pagbubukas ng season sa ASEAN Basketball League (ABL).

Lumabas din ang balitang kasama ito sa line-up ng Hong Kong Eastern Long Lions pero wala pang kumpirmasyon kung saan magtatagal naman ang liga ng anim na buwan.


Nais din ni Standhardinger na magpahinga na muna sandali matapos ang ilang buwang paglalaro sa Gilas Pilipinas.

Matatandaan na tatlong sunod na international event ang sinalihan ni Standhardinger kasama na dito ang Jones Cup, FIBA Asia Cup at ang gold medal finish sa 2017 SEA Games.

Facebook Comments