Filipina international model na si Kelsey Merritt, muling bumida sa isang sikat na sports magazine sa Amerika

76

Sa ikatlong pagkakataon, muling bumida ang Filipina international model na si Kelsey Merritt sa isang sikat na sports magazine sa Amerika.

Ipinakita ni Kelsey ang kaniyang magandang katawan sa pagsuout ng iba’t ibang disenyo at kulay ng bikini na kuha ng British photographer na si Ben Watts sa Florida.


Very natural ang mga posing ng 24-year-old supermodel kahit nakatayo man o nakaupo at minsan may pagkakataon pa sa “butt exposure.”

Matatandaang si Kelsey ang kauna-unahang Pinay na naging parte ng Victoria’s Secret Fashion Show na ginanap sa New York at ang pagiging Sports llustrated Swimsuit rookie model.

Dagdag pa, si Kelsey din ang kauna-unahang Pinay na opisyal na kinilala bilang ambassador ng Italian luxury brand na Bulgari.

Facebook Comments