Filipino Boxer na Jerwin Ancajas, ayaw magpakampante sa laban kontra Mexican Boxer na si Jonathan Rodriguez

51

Inihayag ni International Boxing Federation (IBF) world super flyweight champion Jerwin Ancajas na walang puwang sa kanya ang pagiging kampante.

Kasunod ito ng kaniyang laban para sa title defense kay Mexican challenger Jonathan Rodriguez sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut sa darating na Linggo, Abril 11.


Ayon kay Ancajas, hindi biro ang kaniyang makakalaban dahil dalawang sunod na technical knockout (TKO) ang binitawan nito noong taong 2019 at 2020.

Bagama’t handa na ay kinakailangan pa rin daw niyang mag-focus at magdoble kayod para depensahan ang kaniyang titulo.

Facebook Comments