Filipino Boxing Champion Manny Pacquiao, itinanghal na 2nd place sa ‘Greatest’ Boxer

Itinanghal sa pangalawang puwesto bilang ‘Greatest’ Boxer ng boxrec.com si Filipino Boxing Champion Manny “Pacman” Pacquiao.

Ito ay matapos makapagtala si Pacquiao ng 62 panalo, pitong talo at dalawang draw.

Nasa unang puwesto naman si US Retired Boxing Champion Floyd Mayweather Jr. dahil sa record nitong wala pang talo sa 50 na laban.


Tinagurian namang “official record keeper” ang dalawang boksingero na parehong matunog ang pangalan sa larangan ng boksing.

Pumangatlo sa listahan si Carlos Monzon, pang-apat si Muhammad Ali, panlima si Sugar Ray Robinson at pang-anim si Bernard Hopkins.

Facebook Comments