Filipino fashion designer na may lonely experience sa Miss Universe Canada Organization, sinuportahan ng Miss Universe Canada 2016

64

Sinuportahan ni Miss Universe Canada 2016 Siera Bearchell ang pagsasalita ng Filipino fashion designer na si Rian Fernandez kaugnay sa malungkot na karanasan nito kay Denis Martin Davila, ang National Director ng Miss Universe Canada Organization.

Si Rian ang gumawa ng white gown na ginamit ni Siera nang maging kinatawan ito ng Canada sa 65th Miss Universe na ginanap sa Mall of Asia Arena, Pasay City, noong January 30, 2017.


Dalawa ang gowns na ginawa ni Rian para kay Siera, pero si Denis ang pumili ng white gown na binatikos ng netizens dahil hindi bagay sa Canadian beauty queen.

Sa kabila naman ng nangyari, naging magkaibigan sina Rian at Siera kung saan ang designer pa ang gumawa ng wedding gown ng beauty queen nang magpakasal ito kay Brennen Wray noong November 2017 sa Las Vegas, Nevada.

Nalaman naman agad ni Siera ang pagsasalita ni Rian tungkol sa hindi magandang karanasan nito sa Miss Universe Canada Organization kaya pinayuhan nito ang kaibigan.

Sa ngayon, muling nagkita sina Rian at Siera sa Miss Universe 2019 sa Atlanta, Georgia kung saan muli nitong binati ang kaibigan sa pagiging isang best designer.



Facebook Comments