Filipino Fishing boat sinadyang binangga ng hinihinalang Chinese Vessel sa West Phil Sea ayon sa AFP

495

Hindi nagkasalpukan sa halip sinadyang binangga ng hinihinalang Chinese Vessel ang fishing boat ng mga mangingisdang Pinoy malapit sa Recto Bank sa West Philippine Sea noong June 9, 2019 ng hating gabi.

Ito ang kinumpirma ni Lt Col Stephen Penetrante  ang Tagapagsalita ng AFP Western Command.

Aniya naka anchor sa Recto Bank ang Filipino  fishing boat ibigsabihin hindi ito gumagalaw kaya malabong nagkasalpukan ang dalawang sasakyan pandagat, kaya malaki ang posibilidad na  binangga ito ng suspected Chinese Vessel.

Hindi rin daw huminto ang suspected Chinese Vessel pagkatapos ng pagbangga sensyales na sinadya ito.

Magkagayunpaman nagpapatuloy ang imbestigasyon  sa insidente, ang 22 mangingisdang survivors aniya ang makakatukoy kung talagang binangga sila.

Ang mga ito rin aniya ang makaka kumpirma kung Chinese Vessel ang nakabangga sa kanikang fishing boat na FB Gimver 1 na pagmamay ari ng isang Felix Dela Torre na taga San Jose Occidental Mindoro.

Facebook Comments

From Advertisers