Filipino group sa Hong Kong, nangangamba matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang Pinoy galing ng Pilipinas

403

Nangangamba ang United Filipinos sa Hong Kong matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilang Pinoy na nanggaling sa Pilipinas.

Ayon kay Eman Villanueva, Secretary General ng grupo, ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Hong Kong ay mula sa mga kababayang galing ng Pilipinas na hindi nade-detect dito bago magtungo ng ibang bansa.

Nababahala umano sila sa ganitong sitwasyon dahil mahigpit ang Hong Kong government sa pagpapatupad ng health protocols.

Facebook Comments