Filipino gymnast na si Carlos Yulo, pasok sa finals ng men’s vault event sa Tokyo Olympics

222

Nakapasok sa finals ang Gymnatics Gold Medalist na si Carlos Yulo sa men’s vault event ng men’s artistic gymnastics.

Nakuha ni Yulo ang ika-anim na pwesto sa finals matapos makamit niya ang 14.712 record sa vault.


Gaganapin ang naturang finals sa August 2, 2021, 5:30 ng hapon, oras dito sa Pilipinas.

Matatandaan, bigo makakuha si Yulo ng final spot sa floor exercise event matapos makakuha lamang siya ng 13.566 points na pang-44 sa lahat ng mga atleta.

Pang-47 naman siya sa individual all-around final berth matapos makakuha ng total na 79.931 points.

Pagdating naman sa rings, nasungkit ni Yulo ang 24th place sa score na 14.0000 habang nakuha naman niya ang 13.466 sa parallel bars para sa 55th place at pang-63 sa horizontal bars matapos makuha ang 12.300 score.



Sa pommel horse, mayroon namang 11.833 score ang naturang atleta.

Facebook Comments