Filipino healthcare workers, malaki ang naging papel sa pagtugon sa COVID-19 pandemic sa Ireland

45

Kinilala ng Ireland ang malaking kontribusyon ng Filipino healthcare workers sa pagsugpo ng COVID-19 pandemic sa nasabing bansa.

Ito ang ipinaabot ni Irish Ambassador to the Philippines William Carlos nang mag-courtesy call siya kay Foreign Affairs Undersecretary Ma. Theresa Lazaro.

Sa kanilang pagpupulong, nagkasundo rin ang dalawang opisyal hinggil sa lalo pang pagpapalago sa relasyon ng Pilipinas at Ireland.


Napag-usapan din sa pagpupulong ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa pagpapa-unlad ng sektor ng edukasyon, kultura, agrikultura, at maritime.

Facebook Comments