Filipino painter na si Briana “Bree” Jonson, hindi nagpakamatay ayon sa ina ng biktima

217

Iginiit ng ina ng Filipino painter na si Briana “Bree” Jonson na hindi nagpakamatay ang kanyang anak, matapos matagpuang wala ng buhay sa isang hotel sa San Juan, La Union nitong Sabado.

Ayon kay Sally, maaaring nanlaban ang kanilang anak dahil sa nakitang kalmot sa braso ng boyfriend nitong si Julian Ongpin.


Habang bago pa matagpuang patay, pinaplano ni Bree na magsagawa ng art exhibit sa La Union sa Disyembre kaya’t wala silang nakikitang rason para magpatiwakal ito.

Sa ngayon, tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na magpapalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order laban kay Ongpin.

Si Ongpin ay anak ng bilyonaryong si Roberto Ongpin at sinasabing huling kasama ng biktima bago ito binawian ng buhay.

Facebook Comments