Filipino Sports Icons, nagpakita ng suporta sa pagbubukas ng Sea Games

70

Nagsilbing Flag Bearer sa pagbubukas ng Sea Games ang mga ipinagmamalaking Sports Icon ng bansa.

Kabilang na rito ang tinaguriang Asia’s Fastest Woman at 7th Time Sea Games Gold Medalist na si Lydia De Vega-Mercado, 15-Times Sea Games Gold Medalist Swimmer Eric Buhain, 4th Time World Bowling Champion Bong Coo, PBA Legend Alvin Patrimonio.


Kasama rin sina 7th Time Gold Medalist Swimmer Akiko Thompson, 2-Times Sea Games Gold Medalist Olympian Boxer Onyok Velasco, 6th Time Bowling World Champion Paeng Nepomuceno, at 8th Ball World Champion Efren Bata Reyes.

Inabangan din ang pagsisindi ng cauldron o kawa ni 8th Division World Champion, Sen. Manny Pacquiao.

Facebook Comments

From Advertisers