FINAL BRIEFING NG MGA TECHNICIANS AT ELECTORAL BOARD OF CANVASSERS SA DAGUPAN CITY, ISASAGAWA

Isasagawa ngayong linggo ang final briefing ng mga guro na magsisilbing machine technicians at electoral board of canvassers matapos ang paggunita sa Holy Week.

Ayon kay COMELEC Dagupan Election Supervisor Atty. Frank Sarmiento, nakalinya na ang mga aktibidad na bahagi ng pinal na paghahanda sa halalan 2025 matapos ang pagsasanay ng mga Board Of Electoral Inspectors noong Pebrero at Abril.

Tatalakayin sa final briefing ang deployment ng mga ballot boxes, automated counting machines at ilan pang election paraphernalias.

Kabilang din sa isasagawa ang pagtutok sa mga identified places na posibleng pagmulan ng vote buying sa lungsod katuwang ang pwersa ng kapulisan.

Ngayong April 28, idedeploy na ang mga ballot boxes sa lungsod habang inaasahan na sa May 5 dadalhin ang mga counting machines sa mga polling centers.

Inanyayahan naman ng opisyal ang publiko na makiiisa sa final testing ng mga automated counting machines sa mga barangay sa darating na May 6. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments