Final date at venue ng Miss Universe 2021, inilabas na

54
Photo Courtesy: Miss Universe Facebook Page

Nagtakda na ng pinal na araw at venue ang mga organizers ng ika-69 Miss Universe na gaganapin ngayong 2021.

Ayon sa ulat, magaganap ito Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Hollywood , alas-8 ng gabi ng May 16.


Sa nasabing event, ipapasa ni Zozibini Tunzi ng South Africa ang Mouawad pageant crown na binansagang “Power of Unity” sa sinumang mapalad na kalahok.

Si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ang magiging pambato ng Pilipinas sa nasabing kompetisyon.

Matatandaang ilan sa mga Pilipinang nagwagi sa Miss Universe ay sina; Catriona Gray (2018), Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).

Facebook Comments