Final list ng mga kandidato para sa May elections, ilalabas ngayong araw

Manila, Philippines – Ilalabas na ngayong araw ng Comelec ang pinal na listahan ng mga kandidato para sa halalan sa Mayo.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, sa pitumput pitong senatoriables, posibleng mabawasan pa ito ng labing tatlo.

Kinumpirma rin ni Jimenez na kabilang din sa pinal na listahan na ipapalabas nila ngayong araw ang 134 na party-list groups.


Muli namang nagpaalala ang Comelec na ang opisyal na pagsisimula ng kampanya para sa mga kandidato sa national position o sa pagka-senador at party list ay mula February 12, 2019 hanggang May 11, 2019, habang ang mga tumatakbo sa lokal na posisyon ay sa March 30, 2019 hanggang May 11, 2019.

Facebook Comments