Muling tinalakay sa Sangguniang Panlalawigan ng La Union ang P20, 000 financial aid na hindi pa rin naibibigay sa lahat ng barangay hanggang sa kasalukuyan.
Ayon kay Liga ng mga Barangay President Ramon Ortega Jr., 255 na barangay pa lamang ang nabigyan mula ng idulog sa Sanggunian ang naturang usapin.
Sa kabuuang dalawampung LGU na nay kabuuang 576 barangay, walong bayan pa lamang ang napamahagian ng financial assistance na kinabibilangan ng San Juan, Bacnotan, Balaoan, Luna, Sudipen, Caba, Aringay at Bangar.
Apela ng opisyal na mabigyan na ng nasabing mandatoryong financial assistance ang lahat ng barangay dahil matagal na itong naantala. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments