Financial assistance ng PSC, hindi na tatanggapin ng pamilya ni Pinay tennis star Alexandra Eala

5540

Wala ng plano ang pamilya ni Pinay tennis star Alexandra Eala na tanggapin pa ang financial assistance ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ayon sa pamilya ni Alex, hindi na nila kakailanganin pa ang alok na P4.5 million na assistance ng PSC kung saan mas maiging ibigay na lamang daw ito sa ibang atleta na higit na nangangailangan.

Napag-alaman na ilang beses na rin sumubok ang pamilya ni Alex sa PSC para suportahan sana ito sa mga laro partikular sa ibang bansa pero pinapaikot lamang daw sila ng mga nakaupo dito kahit pa kumpleto ang mga dokumentong ipinasa nila.

Sinabi pa ng mga magulang ni Alex na sina Michael at Rizza na kaya naman nilang suportahan ang anak sa mga tournaments na sinasalihan nito at nagpapasalamat sila sa mga kaibigan, kaanak at mga Pinoy fans na sumusuporta sa kanilang anak.

Facebook Comments