FIRE OUT | Sunog sa Gagalangin, Tondo, Maynila, naapula na matapos ang mahigit isang araw

45

Manila, Philippines – Matapos ang mahigit isang araw, tuluyan nang naapula ng mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nangyaring sunog sa Gagalangin, Tondo.

Partikular na nasunog ang limang palapag na pagawaan ng damit na nasa kanto ng Bulacan at Juan Luna Street sa Gagalangin.

Nabatid na nagsimula ang sunog ala-siyete beinte nuwebe noong Lunes ng gabi kung saan itinaas ito sa ikatlong alarma.

Pasado alas-nueve kagabi nang ideklarang fire-out ang sunog at walang naitalang nasugatan sa insidente.

Sinasabing nadamay lamang ang gusali sa katabing bahay na pinagmulan talaga ng sunog na agad naman naapula.

Umaabot sa kalahating milyung piso ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian habang patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng pagsiklab ng apoy.

Facebook Comments