Fire-related injuries, malaki ang ibababa sa oras na maipatupad na ang firecracker ban sa bansa ayon sa DOH

100

Manila, Philippines – Kumpiyansa ang Department of Health na malaki ang ibaba ng kaso ng fire-related injuries oras na maipatupad na ang firecracker ban sa bansa.

Ito’y matapos na lagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 28 para sa regulasyon sa paggamit ng mga paputok.

Ayon kay DOH Sec. Paulyn Jean Ubial – tinatatrabaho na nila ang implementing rules and regulations para sa nasabing batas.


Katuwang rito ng DOH ang PNP, DILG, DENR AT Bureau of Fire Protection.

Aniya, oras na matapos na ang irr ay agad nilang ipatutupad ang batas.

Facebook Comments