First on-screen kiss ni Sue Ramirez, usap-usapan

Manila, Philippines – Ginulat nina JC Santos at Sue Ramirez ang mga manonood nang bigla silang mag-kiss matapos ang kanilang performance sa isang TV reality show.

Hindi rin akalain ng kanilang mga kasamahan sa programa na inaabangan lang ang kanilang hula hoop act na may kakaiba silang panggulat sa dulo ng kanilang performance.

Inamin naman ng aktres na si Sue na ito ang kanyang unang on-screen kiss.


Bagama’t hindi nila nakuha ang panalo sa linggong ito, nakitaan naman sila ng kakaibang chemistry ng mga netizen.

 

Facebook Comments