FIRST TIME | North Korean Leader Kim Jong Un, tila napa-‘wow’ sa performance ng mga pop star performers mula South Korea

145

Pyongyang, North Korea – Dumalo si North Korean Leader Kim Jon Un at kanyang asawa na si Ri Sol Ju sa concert ng mga South Korean performers sa Pyongyang.

Ayon sa South Korea unification and cultural ministry press pool, makikitang pumapalakpak ang mag-asawa at kumakaway sa madla.

Matapos ang higit dalawang oras na konsiyerto, nakipagkamayan ang North Korean leader at kanyang misis sa mga pop stars at kumuha ng litrato.
Ang nasabing concert ay itinuturing na kauna-unahan sa loob ng higit dekada kung saan ang mga South Korean musicians ay nakakapagtanghal sa North Korea.

Facebook Comments