Flavored e-cigarettes, planong ipagbawal sa US

Plano na ni US President Donald Trump na alisin na sa merkado ang lahat ng flavored e-cigarettes bilang bahagi ng crackdown kontra vaping.

Kasunod ito ng mga ulat na may anim na ang namatay at nasa 450 kaso ang nagkaroon ng sakit sa baga dahil sa paggamit nito sa 33 states at isang US territory.

Ayon kay Trump – nalululong sa nicotine addiction ang mga kabataan dahil sa flavored vaping products.


Sa ngayon, ang U.S. Food and Drug Administration ay bumubuo na ng guidance document na nagbabawal sa lahat ng vape flavors bukod pa sa tobacco flavoring.

Facebook Comments