FLIGHT ADVISORY | Paliparan sa Bacolod, isasara pansamantala ngayong araw

41

Sarado ang Bacolod-Silay Airport hanggang mamayang tanghali.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines Spokesperson Eric Apolonio, mula alas-otso kaninang umaga hanggang alas dose ng tanghali isasara ang runway ng Bacolod-Silay Airport upang bigyang daan ang full-scale emergency exercise sa mga nabanggit na oras.

Paliwanag pa ni Apolonio ang full-scale emergency exercise ay isang requirement para sa airport’s aerodrome certification, isang sertipikasyon para sa navigational equipment.

Kasunod nito ilang domestic flights ang kanselado at delayed dahil sa runway closure ng Bacolod-Silay Airport.

Kabilang dito ang:
Philippine Airlines flight
PR 2331/2332 Clark-Bacolod-Clark
PR 2131/2132 Manila-Bacolod/Manila (delayed)

Cebu Pacific:
5J484 Bacolod-Manila
5J 125 Bacolod-Cebu
5J 486 Manila-Bacolod (Delayed)

Facebook Comments