Flight attendant, nagpa-quarantine matapos makitaan ng sintomas ng coronavirus

283

Boluntaryong nagpa-quarantine ang isang flight attendant sa Kalibo, Aklan matapos makaranas ng sintomas ng novel corona virus.

Galing sa Wuhan, China ang 24-anyos na flight attendant na agad na nagpakonsulta sa isang pribadong doktor.


Na-admit ang flight attendant subalit agad ding na-discharge.

Kinuhanan na siya ng sample specimen at ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para malaman kung positibo sa naturang virus.

Facebook Comments