Flight operation sa Hong Kong Int’l Airport, ipinatigil!

Pansamantalang nahinto ang operasyon ng Hong Kong airport at isinisisi ito sa mga nagsasagawa ng kilos protesta.

Apat na araw nang inookupa ng mga demonstrador ang arrival hall ng paliparan pero maayos at mapayapa ang protestang ginagawa.

Ayon sa ilan sa mga protester – hindi sila aalis dahil ipinaglalaban nila ang kanilang kalayaan.


Samantala, itinuturing ng China na isang uri ng terorismo ang anti-government protest.

Facebook Comments