Flights sa Surigao, balik na sa normal sa Sabado

33

Nagpadala na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng team na mag-a-assess  sa Surigao Airport runway.

 

Ito ay matapos na masira ang runway ng paliparan nang yanigin ang Surigao ng 6.7 magnitude na lindol.

 

Bunga nito, walang commercial airlines na direktang bumibiyahe ngayon sa nasabing lugar.

 

Sa ngayon ay sa Butuan Airport bumababa ang mga pasaherong patungo ng Surigao.

Facebook Comments