Fliptop rapper na si Loonie, nakalaya na sa Makati City Jail

102

Pansamantalang nakalaya sa Makati City Jail ang FlipTop rapper na si Loonie o Marlon Peroramas sa tunay na buhay.

Ayon kay BJMP spokesperson Jail Chief Insp. Xavier Solda, ito ay matapos na makapaglagak ng piyansang ng dalawang milyong piso si Peroramas.


Ang rap star ay unang Inaresto Kasama ang apat na iba pa matapos bentahan ang isang undercover officer ng kush, o high-grade marijuana na nagkakahalaga ng P100,000

Ang isa sa kasama niya na si David Rizon ay pinayagang makapag piyansa ng P500,000 at P3,000.

Facebook Comments