FLOOD-FREE NA MGA SILID-ARALAN, TINIYAK SA WEST CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL NGAYONG PAGBUBUKAS NG PASUKAN

Naibsan na ang dating nararanasang pagbaha sa loob ng West Central Elementary School, kaya hindi na umano ito magiging mabigat na problema ng mga guro at mag-aaral.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay WCES Principal IV Renato Santillan, flood-free na ang mga silid-aralan simula nang magkaroon ng mga flood mitigation projects tulad ng drainage upgrade.

Kung malakas man ang pag-uulan, mababaha ito bagamat mabilis din umanong humupa.

Ang nararanasang suliranin ngayon ng ilang mga magulang, estudyante at kaguruan ay ang pagbaha sa harap ng eskwelahan lalo na sa tuwing sumasapit ang high tide, bagamat inaasahan na sa patuloy na konstruksyon ng flood mitigation projects ay masosolusyunan ang nasabing problema.

Samantala, naging matagumpay ang pagbubukas ng unang araw ng klase sa West Central kung saan nasa isang libo at pitong daan ang inaasahang bilang ng enrollees ngayong school year 2025-2026. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments