Florida, nakapagtala ng 15,000 panibagong kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw

Nakapagtala ng 15,000 panibagong kaso ng COVID-19 ang Florida sa loob lamang ng isang araw.

Ito na ang itinuturing na record-high sa buong US kung saan nahigitan nito ang New York na mayroon lamang 12,847 kaso nitong ika-10 ng Abril.

Ang pagtaas ay bunsod ng pagbubukas ng Walt Disney World sa Orlando, Florida at ang mga nagkalat na anti-mask activity.


Sa ngayon, nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong mundo, kung saan higit 3.3 milyon na ang kumpirmadong kaso ng virus, higit isang milyon ang naka-rekober at 135,190 ang nasawi.

Facebook Comments