Floyd Mayweather, aminadong mahihigitan ni Manny Pacquiao ang kanyang record sa mga tinalong world champions

436

Aminado si Floyd Mayweather na masisira ng kanyang katunggaling si Eight Division World Champion Manny “Pacman” Pacquiao ang isa sa hawak niyang record na may pinakamaraming tinalong world champions.

Sa kasalukuyan, hawak ni Mayweather ang record na 23, habang si Pacquiao ay mayroong 22 tinalong world champions.


Huling tinalo ni Mayweather si Andre Berto noong 2015 bago niya ideklara ang kanyang pagreretiro.

Matatandaang bumalik sa ring si Mayweather para labanan si UFC Champion Conor Mcgregor noong Agosto 2017 bago muling i-deklara ang pagiging retirado.

Facebook Comments