Floyd Mayweather, tiniyak na matutuloy pa rin ang exhibition match nila ng YouTuber na si Logan Paul

36

Tiniyak ng undefeated boxer na si Floyd Mayweather na matutuloy ang kanilang exhibition match ng youtuber na si Logan Paul.

Ayon sa 44 taong gulang na boxer, bagama’t wala pang tiyak na petsa ay sinisiguro niyang matutuloy ang kanilang paghaharap sa ring.


Matatandaang nakatakda sanang maglaban ang dalawa nitong Pebrero 20 pero ipinagpaliban muna ng mga promoter.

Nagretiro si Mayweather sa boxing noong 2017 matapos na talunin ang Mixed Martial Arts Superstar na si Conor Mcgregor at mayroon ngayong malinis na record na 50 wins.

Facebook Comments