
Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 25% na pagbaba sa focus crimes nitong Enero at Pebrero ng kasalukuyang taon.
Ayon sa PNP, mula January 1 hanggang February 28, nakapagtala ng 4,532 kaso ng focus crimes na mas mababa kumpara sa 6,081 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Kabilang sa mga tinatawag na focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, at carnapping ng motor vehicles at motorcycles.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., iniuugnay ng PNP ang pagbaba ng krimen sa mas maayos na deployment, mas mabilis na pagresponde, at mas epektibong koordinasyon.
Binigyang-diin din niya ang mahalagang papel ng lokal na pamahalaan at ng publiko sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.










