Thursday, May 14, 2026

Focus crimes nitong Holy Week, bumaba ng 23% kumpara noong nakaraang taon — PNP

Bumaba ng 23% ang naitalang focus crimes ngayong Holy Week 2026 mula sa 1,574 na kaso noong 2025, naging 1,207 na kaso na lamang ngayong 2026.

Kabilang sa mga focus crimes na bumaba ang murder, homicide, robbery, theft, at motorcycle carnapping.

Malaki rin ang ibinaba sa kasong rape, mula sa 404 na kaso noong nakaraang taon ay naging 139 na lamang, katumbas ng 66% na pagbaba. Sinundan ito ng motor vehicle theft na bumaba ng 54%.

Bukod sa focus crimes, bumaba rin ang kaso ng vehicular accidents at pagkalunod. Samantala, tumaas naman ang fire incidents mula 82 na kaso noong nakaraang taon ay naging 170 sa kaparehong panahon.

Sa kabuuang tala ng mga insidente sa buong bansa, bumaba ito ng 13%, na nagpapakita na naging generally peaceful ang Holy Week ngayong taon sa kabila ng pagtaas ng kaso ng sunog at physical injury.

Pinuri naman ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. ang positibong resulta, na aniya’y bunga ng dedikasyon ng mga police personnel at suporta mula sa iba pang katuwang na ahensya.

Facebook Comments