Focus crimes sa bansa, bumaba ng 14% —PNP

Halos 14% ang ibinaba ng mga focus crime sa bansa mula Hulyo hanggang Setyembre ngayong taon.

Base sa datos ng Crime Research and Analysis Center (CRAC) ng Directorate for Investigation & Detective Management (DIDM), nasa 8,988 na kaso ng focus crimes ang naitala ngayong 2025 na mas mababa kumpara sa 10,430 na kaso sa kaparehong panahon noong 2024.

Pinakamalaking ibinagsak ang kaso ng rape na bumaba ng 33.03% (mula 2,280, naging 1,527); sumunod naman ang carnapping ng motor vehicle na bumaba ng 28% (97 naging 69); at murder na bumaba ng 24.19% (1,021 naging 774).

Tuloy-tuloy ring bumaba ang ibang krimen gaya ng homicide, robbery, theft, physical injury, at motorcycle carnapping.

Ayon kay Acting Philippine National Police (PNP) Chief PLTGEN Jose Melencio Nartatez Jr., ang pagbaba ng krimen ay patunay ng dedikasyon ng kapulisan at tiwala ng mamamayan sa pambansang pulisya.

Facebook Comments