FOCUS MUNA | Toni Gonzaga, hindi pa ready sundan si Seve

Manila, Philippines – Hindi pa raw ready ang singer-actress na si Toni
Gonzaga na magkaroon ng Baby Number 2.

Sa isang interview, sinabi ni Toni na bagama’t very open siya na magkaroon
pa ulit ng baby, sa ngayon ay focus muna sila kay Seve.

Aniya, nasa stage pa kasi sila na hinuhubog pa nila ang good moral values,
manner at good conduct ni Seve.


Gusto rin daw kasi niya na matutukan si Seve sa unang tatlong taon nito.

Kasabay nito, inamin ni Toni na major adjustment ang experience niya bilang
may asawa at bilang magulang.

Say naman ng mister niyang si Direk Paul Soriano, “It’s like a work in
progress every single day.”

Facebook Comments