Follow up operation, isinasagawa kasunod ng pagkakasamsam sa multi-milyong pisong halaga ng shabu sa Las Piñas

Manila, Philippines – Nagsasagawa ng follow-up operation ang magkakasanib na pwersa ng pulisya kasunod ng pagkakasamsam sa 369-million pesos na halaga ng shabu sa Martinville Subdivision, Las PiƱas City.

Ito ay matapos na hindi maabutan ng mga otoridad ang subject ng search warrant sa isinagawang raid kagabi.

Partikular na subject ng search warrant ang isang Mr. Lee na gumagamit ng mga alyas na Johnny, Sy, Jen, Luk, Jimmy, Pilay at Tanda


Sa naturang raid, nasamsam ang pitumpung pakete na may tig-iisang kilo ng shabu.
DZXL558, Joyce Adra

Facebook Comments