Food and Job Caravan ng Las Pinas City PESO, naging matagumpay

30

Umaabot sa 74 na aplikante ang na-hired on the spot sa ikinasang food and job caravan ng Las Pinas City PESO.

 

Karamihan sa natanggap ay magsisimula na bilang mga sales staff, housekeeping, bagger, warehouseman, production staff at cashier.


 

Nasa 457 naman ang kabuuang bilang ng mga aplikante at ayon kay PESO Manager Red Garcia, isinabay nila ang food caravan na programa din ng lokal na pamahaalan ngayong  National Nutrition Month.

 

Sinabi pa ni Garcia na ang ginawa nilang food caravan ay para ipakita na may ibang paraan para magkaroon ng pera habang walang trabaho o naghahanap pa lamang.

 

 

 

Bukod dito, gagawin na din nilang kada buwan ang job fair upang makatulong sa pagbaba ng bilang ng walang trabaho hindi lamang sa Las Pinas maging sa kalapit na siyudad at buong bansa.

Facebook Comments

From Advertisers