Binuo sa bayan ng Bolinao ang Food Owners Association bilang hakbang sa upang maging culinary and tourism destination ang Western Pangasinan.
Nilahukan ng mga food establishments owners ang pagpupulong kung saan tinalakay ang modernong marketing strategies at pagsusulong sa paggamit ng mga lokal na sangkap na bahagi ng kultura ng bayan.
Ginanap din ang election ng mga magsisilbing officers na mamumuno sa mga food owners sa bayan at mamamalakad sa pagpapatupad ng programa ng samahan kasunod sa pagpapaigting ng turismo ng Bolinao.
Noong 2024, nakapagtala ang Bolinao Tourism and Information Office ng aabot sa 774,000 na tourist arrivals na dumayo sa iba’t-ibang pook pasyalan na tampok sa bayan.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments