Food Poison | Pitong bata, nalason umano ng kinaing pizza sa QC

42

Manila, Philippines – Pitong bata sa Lungsod ng Quezon ang isinugod sa ospital matapos makitaan ng sintomas ng food poisoning.

Kwento ni Teresita Credo ng Barangay Silangan, nakaranas ng pagkahilo, pananakit ng tiyan, pagtatae at pagsusuka ang mga bata.

Ito’y makaraang kumain ng pizza ang mga bata na binili sa isang tindahan sa Barangay Pagasa.

Patuloy na inoobserbahan sa East Avenue Medical Center ang mga bata na may edad na siyam hanggang 17-taong gulang.

Facebook Comments