Food poisoning sa 15 residente ng Tondo, pinaiimbestigahan na ng Manila LGU

44

Pinaiimbestigahan na ng Manila City government ang nangyaring food poisoning sa 15 residente ng Tondo, Maynila kung saan isang person with disability ang nasawi.

Kabilang sa iniimbestigahan ng Manila Health Department (MHD) ang nagtinda ng chicken noodle soup na kinain ng mga biktima.

Nabatid na maging ang miyembro ng pamilya ng seller ay kabilang din sa mga na-food poison.


Ang mga biktima ay isinugod sa iba’t ibang pagamutan matapos magsusuka, manakit ang tiyan, mahilo at may ilang nangitim ang kuko.

Facebook Comments