FOOTBALL LEAGUE | Neil Etheridge umaasang malaki ang maitutulong sa English Premier League para sa pag-unlad ng football sa Pilipinas

31

England – Magaganap na ang pinakahihintay na debut ni Philippine Azkals goalkeeper Neil Etheridge sa English Premier League.

Maghaharap ang Cardiff City Blue Birds kontra Bournemouth Sabado ng hapon sa England kung saan si Etheridge ang number one goalie.

Si Etheridge ang kauna-unahang Pinoy at Southeast Asian na maglalaro sa isa sa pinakamalaking football league sa buong mundo.

Ayon kay Etheridge umaasa siya na sana ay malaki ang magawa ng paglalaro niya sa English Premier League para umuunlad pa ang larong football sa Pilipinas.

Bagaman at bagong salta sa Premier League, sinabi rin ni Etheridge na gagawin ng Cardiff ang lahat para manatili sa liga.

Facebook Comments