Football Star Lionel Messi, suspendido sa apat na international matches

Manila, Philippines – Pinagbawalang maglaro sa apat na magkakasunod na international matches ang football forward ng Argentina na si Lionel Messi.
 
Ito’y dahil sa ginawang pagmumura ni Messi sa isang assistant referee habang ginaganap ang kanilang laban noong Biyernes.
 
Matatandaan sa nasabing match nila nasungkit ang kanilang 1-0 na panalo laban sa Chile.
 
Dahil sa insidente, isa sa limang nalalabing world cup qualifiers ng Argentina lamang makakapaglaro ang five-time world player of the year.
 
Inaasahang magiging malaki ang epekto ng pagkawala ni Messi sa South American campaign.


Facebook Comments