Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano – nanawagan sa publiko na pagkatiwalaan ang ginagawang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu sa West Philippine Sea

Manila, Philippines – Umapela si Department of Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano sa publiko magtiwala kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa press briefing sa DFA, sinabi ni Cayetano na makailang beses nang nanindigan ang Pangulong Duterte na bibigyang proteksyon nito ang territorial integrity ng bansa at naniniwala itong tutuparin ito ng punong ehekutibo.

Matatandaang binabatikos ang Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi nito paggiit sa ruling ng permanent court of arbitration.


Nilinaw ng pangulo na maliwanag sa China ang posisyon ng Pilipinas ngunit nagbanta aniya ang China na makikipagdigmaan kung patuloy na igigiit ng Pilipinas ang teritoryong inaangkin din ng Beijing.
DZXL558

Facebook Comments