Foreign Minister ng Indonesia, magtutungo sa Myanmar

27

Bibisita bukas sa Myanmar si Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi.

Sa harap ito ng isinusulong niyang pulong sa pagitan ng mga bansa sa Southeast Asia para matiyak na magiging mapayapa ang halalan sa Myanmar.


Matatandaang iminungkahi ng ruling military council na magsagawa ng bagong halalan para ibigay sa mananalo ang pamamahala sa bansa.

Agad namang aalis si Marsudi matapos na makipag-usap sa ilang opisyal ng Myanmar.

Siya ang magiging kauna-unahang foreign official na tutungo sa Myanmar mula nang magkaroon doon ng military takeover.

Facebook Comments