Former Brgy Kapitan patay sa pamamaril sa Parang Maguindanao!

34

Nagpapatuloy hanggang ngayon ang Parang PNP sa motibo sa pagpaslang sa isang dating Barangay chairman ng bayan huwebes ng hapon sa Barangay Gumagadong, Calawag, Parang, Maguindanao.
Kinilala ni Parang PNP chief, police Chief Inspector Erwin Tabora ang biktima na si Ferdinand Arnold Molina, 51 anyos, may-asawa, dating punong barangay ng nabanggit na lugar .
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang kulay puti na cargo van pauwi na sana mula sa Barangay hall nang pagbabarilin ng riding tandem .
Pilit pa sanang isinalba sa pagamutan ang biktima ngunit tuluyan itong binawian ng buhay .
Patuloy naman ang panawagan ng hustisya ng pamilya ni Molina. (DENNIS ARCON)

Facebook Comments