Former VP Binay, nanawagan sa mga dating senior government official na tumulong sa mga nasalanta ng bagyo

544

Nanawagan ang dating ikalawang pangulo ng bansa na si Jejomar Binay sa dating mga opisyal ng gobyerno na magkaisa sa pagtulong sa mga lugar na nasalanta ng mga bagyo.

Tinutukoy ni Binay ang dating mga bise presidente ng bansa, kasama na ang mga naging senador at mga dating miyembro ng gabinete.


Ayon kay Binay, dapat magpatuloy ang paglilingkod at pagdamay sa kapwa kahit wala na sa pwesto o sa gobyerno.

Si Binay ay nauna nang magbigay ng donasyon sa provincial government ng Cagayan at Isabela para sa kanilang gagawing relief at rescue operation.

Ngayong buwan, tatlong bagyong susunod sunod ang pumasok sa bansa. Ito ay ang Super Typhoon Rolly, Siony at Ulysses, kung saan ay nag-iwan ito ng matindi at malakang pinsala sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments