Pinatibag ng Task Force Disiplina ang nakatayong fountain sa harapan ng isang mall sa bayan ng Bayambang.
Nakahambalang umano kasi ang naturang fountain at nakakasagabal sa mga drayber na nakatingin pakanan papunta ng highway kung kaya’t minabuti ng grupo na tibagin na lamang ang nasabing istraktura.
Naglabas din ng Executive Order ang alkalde ng bayan kung saan magpapaigting pa sa demolisyon ng lahat ng mga nakahambalang poste ng kuryente o telecom companies sa mga road shoulder nang sa gayon ay tuluyan walang nakakasagabal sa daanan at maging ligtas ang byahe ng motorista at dadaanan ng mga pedestrian. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









