Fourth quarter online nationwide simultaneous earthquake drill, kasado na sa Nobyembre

203

Isasagawa na sa November 11, 2021 ang ikaapat na quarter online nationwide simultaneous earthquake drill bilang paghahanda sa sakuna na maaaring maganap sa bansa.

Pangungunahan ito ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pakikipagtulungan ng Office of Civil Defense (OCD).

Isasagawa ang drill dakong alas-8 ng umaga na ipapalabas via livestream sa Civil Defense PH at NDRRMC social media pages.


Hinimok naman ng NDRRMC ang publiko na makiisa sa programa.

Ang nalalapit na NSED ang ikaanim na online earthquake drill simula nitong ikatlong kwarter ng taon.

Facebook Comments