FPJ, nagparamdam kasunod ng pagkaluklok kay Arroyo bilang House Speaker

384

Manila, Philippines – Nagparamdam kay Senator Grace Poe ang kanyang yumaong ama na si Daking Fernando Poe Jr matapos maluklok kahapon si dating Pangulong Gloria Arroyo bilang House Speaker.

Emosyonal itong sinabi ni Senator Poe na hindi na niya idinetalye pa.

Diin ni Senator Poe, nakakapanghina ng loob na hindi lang isa at dalawang beses tayong naisahan o naloko ng dating Pangulong Arroyo.

Ayon kay Senator Poe, pumayag siya noon na makapagpagamot si Arroyo bilang isang tao at bilang kristiyano dahil sa akalang meron itong mabigat na karamdaman, pero mukhang naisahan tayo dahil ang lakas lakas nito ngayon.

Binanggit din ni Poe ang mga akusasyon ng katiwalian sa termino ni Arroyo at kung paano ang naging pamamalakad nito sa bansa.

Ipinunto ni Senator Poe na paano maipapatupad ang kampanya laban sa korapsyon ng adminstrasyong Duterte kung maraming mga kurakot umano sa gobyerno ang nakakalusot at yung iba ay napo-promote pa.

Facebook Comments