FPRRD, hindi maaaring ibiyahe papuntang The Hague kahit pa naaresto —Roque

Hindi pa umano basta pwedeng ibiyahe papunta sa The Hague, sa Netherlands si dating Pangulong Rodrigo Duterte kahit maaresto ito ng International Police (InterPol).

Giit ni Atty. Harry Roque, na isa sa mga abogadong accredited sa International Criminal Court (ICC), iligal ang pag-aresto na ito sa dating pangulo dahil hindi naman na miyembro ng ICC ang Pilipinas.

Aniya, batay sa Rome Statute dapat idaan muna sa lokal na hukuman sa bansa ang proseso ng pag-aresto sa dating pangulo at hindi sya pwedeng ideretso sa The Hague.

Dagdag pa ni Roque, kailangan din na magdesisyon ng Korte Suprema kung may bisa ang arrest warrant na ito laban sa dating pangulo.

Dagdag pa ni Roque sa pinakahuling impormasyon na kanyang nakuha mula sa ICC, wala pang opisyal na warrant of arrest laban kay dating Pangulong Duterte.

Kung meron mang warrant, ito ay hindi isinisikreto at kung meron talaga, dapat ito ay makikita sa webpage ng ICC.

Facebook Comments