Fr. Elisedo Mercado Jr., pumanaw sa edad 73

24

Pumanaw sa edad 73 ang chairperson ng government peace panel sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na si Fr. Eliseo Mercado Jr.

Ayon sa Oblates of Mary Immaculate (OMI) of the Philippines, binawian ng buhay si Mercado kahapon ng hapon sa Cotabato Regional Medical Center bunga ng cardiac arrest.


Si Mercado ay na-admit sa ospital noong May 8 matapos magpositibo sa COVID-19.

Nabigyan ng Sinovac vaccine noong nakaraang buwan si Mercado.

Si Mercado ay senior policy adviser ng Institute for Autonomy and Governance (IAG).

Facebook Comments